Nagsimula ang NMIFA Winter League. Masaya na naman ang mga bata dahil mayroon na naman silang pagkakaabalahan at ako bilang referee ay magiging kasama din sa aksyon.
Pero teka muna, wala namang winter dito sa Saipan. Sa aking pagkakaalam ang klima dito sa Saipan ay kapares sa Pilipinas, ang tag-araw at tag-ulan. Marahil ito ay pattern sa patarakan alinsunod sa Federation Internationale De Football Association (FIFA) ang awtoridad na bumabalangkas ng mga alituntunin at pagpapatupad ng batas ng laro at mga issue na kaakibat dito.
Tennis ang paborito kong sports, hindi ko naman hilig talaga ang Soccer, magmula nang nagkainteres si Erico dito, sinimulan ko din ang pagpapalawig ng kaalaman sa larong ito sa pamamagitan ng pagdalo ng seminar para sa mga gustong magreferee. Tutal libre naman at nang sa ganon, kung mayroon man siyang laro naroon din ako para gumabay sa mga naglalaro at ipatupad ang mga alituntunin ng tama.
Ang dating grupo nila Erico ay nahati sa dalawa, and dating Zone 3 na sumasakop sa halos kalahati ng Saipan ay hinati kung kaya't nagkaroon ng Zone 4 na pinangalanan Independants Football Club (IFC). May mga kagrupo siyang naiwan sa Zone 3 at mayroon din namang kasama na kasali sa Zone 4 pero mas marami ang mga bagong manglalaro kaysa noong dati.
Sapagkat una at gaya ng inaasahan, magulo ang "schedule". Isang halimbawa, ayon sa email na natanggap ko ang laro ng Under 10 ay gaganapin sa Koblerville Elementary School ng 2PM, kung kaya't pagkatapos ng pananghalian sa Restaurant 360, pumunta at naghintay doon, nadatnan pati ang mga manlalaro sa ibang Zone na dayo ay naroon narin. Matapos ang paghihintay, kami ay sinabihan na lumipat sa kabilang eskuwelahan at doon pala gaganapin ang laro. Ang mga puting guhit at marka ay hindi pa naaayos, ang goal post ay pansamantalang gawa sa kahoy, subalit hindi ito alintana dahil ang importante, ang makalaro ang mga bata at mag-enjoy sila.
Mas maraming mga bata ngayon, resulta marahil ito ng puspusang pagpupunyagi ng mga namumuno ng NMIFA (Northern Mariana Island Football Association) na iparating sa mas nakararaming manlalaro ang palakasang ito. Masasabing tagumpay ang kampanya upang iparating ang mensahe sa "grassroots" na ang larong Football o Soccer ay para sa lahat. Ayon sa talaan, ang bilang ng mga batang manlalaro ngayon ay lomobo ng sampung beses mula ng ipinakilala ang larong ito sa CNMI.
Naroroon din ang mga magulang na sumusuporta nagsisilbing "cheering squad" ng magkabilang panig. Hindi magkamaliw ang mga magulang sa paghiyaw kapag nakikita ang kanilang anak sa mga kaganapan.
Naroroon din ang mga magulang na sumusuporta nagsisilbing "cheering squad" ng magkabilang panig. Hindi magkamaliw ang mga magulang sa paghiyaw kapag nakikita ang kanilang anak sa mga kaganapan.
Salamat na lamang at medyo makulimlim at hindi masyadong mainit. Nagparaya nalang ako sa ibang referee at piniling manood na lamang sa mga bata, and besides hindi pa naman ako ready dahil wala akong natanggap na assigment sa mga laro ngayon.
Nakamit ni Erico ang kauna-unahang goal magmula ng sumali sa liga, pero sayang na-missed ko yong shot. Bilang gantimpala, ibinili ko siya ng soccer ball at bilang kasunduan, ang bawat magagawa niyang goal ay may katapat na premyo.
Kainitan ng ZTE scandal sa Pilipinas. Balita sa TV Patrol ang "imbestigation in aid of legislation" sa Senado at kahapon ang "Harapan" ng nag-aakusa at inaakusahan sa The Filipino Channel (TFC).
Ang mga magnanakaw talaga, galit sa kapwa magnanakaw! Ano ba ang mapapala ng ordinaryong mamamayan dito?
1 comment:
Looks like an exciting soccer game!
Post a Comment