Matapos sa Umatac, tumuloy sa Route No. 4 patungo sa pinaka-ibaba ng isla ng Guam, ang village ng Merizo. Mapapansin ang payak na pamumuhay dito, makipot din ang daan na maikukumpara sa village ng Rota. Sa tabing daan ay mayroong remnant ng Spanish influence, and Kampanayun Malessu o Merizo Bell Tower na itinayo noong 1910 sa tawid ng daan from the Merizo Convent malapit sa pantalan na sakayan papunta sa Cocos Island.
"During the first Spanish missionary efforts on Guam, Merizo was the site of resistance encouraged by Choco, a Chinese resident of the village. The parish of Merizo was the second established by the Spanish on Guam. A large population of Chamorros from the Mariana Islands north of Guam was relocated to the village during Spanish rule. The village covers an area of 6 mi²(16 km²) and is located on the shore below the volcanic hills of southern Guam."
Binubuo ng tatlong bayan ang dinaraanan at sumasakop sa Route No. 4. Ito ay ang Merizo, Inarajan at Talofofo. Nadaanan dito ang magagandang islet, cove, bays at beach tulad ng Alayan Bay at Aga point sa parte ng Merizo, Inarajan pool sa may Inajaran Bay, Talofofo Bay at beach Park.
Dito na kami nakaramdam ng gutom, nagmeryenda sa Mc Krauts sa Ipan at mula sa Talofofo, nagdecide na bumalik na at nagshortcut sa Route No. 17 at dinaanan ang gitna ng Guam pabalik sa Marine Drive, ang Route No. 1.
March 20, 2008
Guam: Merizo, Inarajan, Talofofo & Ipan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment