Napag-usapang mag-hike sa Suicide Cliff noong nakaraang Linggo. Tumungo sa bandang hilaga ng isla para sa isang pagsubok, ang pag-akyat sa mataas na Laderan Banaderu o Suicide Cliff.
Kasama si Erico, sinundo si katotong Phil, isang lokal na kaibigan para sa napag-usapang paglalakad mula sa ibaba hanggang ituktok ng cliff at pabalik gamit ang ibang daan.
Maganda at tahimik ang hilaga ng Saipan. Nakakarelax. Hindi alintana ang “humid” at ang haba ng tatahaking landas patungo sa itaas.
Ang pag-akyat
Nagsimula sa Japanese Peace Memorial, isang lugar na inalay para gunitain ang mga labi ng mga sundalong Hapones, alas 12:30 na ng tanghali ng mag-umpisang maglakad tungo sa itaas, tirik ang araw subalit pumabor sa aming daraanan ang lilim ng mga puno na nagsilbing panangga sa init ng araw.
Sinimulang binaybay ang daan paitaas, dahil may nakalaang daan para sa mga nais mag-walking, isa itong kongkretong daanan para lamang sa mga gustong maglakad papunta sa itaas at para hindi rin masyadong mahirap para sa mga tao dahil dahan-dahan namang itong paitaas at hindi nakakainip sa kadahilanang ibat-ibang tanawin ang makikita habang paakyat ng bundok. At sa isang banda, marami namang mga “rest stations” along the way para makapagstreach at sumagap ng sariwang hangin habang paakyat.
Marami ring mga “bikers” na makakasalubong dito, kabi-kabila din ang mga turista ng gustong makita ang magagandang tanawin dito sa isla. Sa parteng ito din nakaparoon ang mga tanawing katulad ng Bird Island, Grotto at mga kweba.
Sa pag-akyat, naglipana din ang mga ibon na ibat-ibang kulay, ang mga malalagong puno’t halaman na mayroong ibat-ibang hugis na nagpapatingkad sa kulay berdeng kapaligiran na kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ay kaiga-igayang tingnan.
Habang papaitaas, nagsimulang kunan ang mga magagandang tanawin nadaraanan. Sa banda roon ay matatanaw ang malawak na karagatang kulay asul na nahahati ng luntiang puno sa palibot.
Mayroon din kaming nadaanan na coconut crab sa gilid ng daan. Ang coconut crab (Birgus latro) ay isa sa malaking anthropod. Karaniwan daw itong aktibo sa gabi at madidilim na lugar, ang mga ito ay matatagpuan sa mga singit ng bato at sa mga ugat ng mga natumbang puno at mga sanga. Maroong itong katangian na kayang basagin ang niyog sa lakas nitong pang-ipit upang makuha at makain ang laman nito. Ito rin ay maroong bansag na “ayuyu” sa mga lokal.
Maganda ang sikat ng araw, kahit katanghaliang tapat ay kaiga-igaya ang mga tanawing sinisinagan nito na nagpapatingkad sa mga kulay sa paligid. Ang mga luntiang kahuyan, ang asul na karagatan, ang konkretong daan na humahati sa tanawin ay nag-bibigay contrast upang hindi maging pangkaraniwan. Pati itim na anino at ang puting ulap na tumatakip sa bughaw na kalangitan ay nagdudulot ng drama sa kapaligiran.
Sa kalagitnaan ng pag-akyat, kami’y namahinga ng panandalian, dito namin nasilayan ang ganda ng lagoon ng Saipan na abot tanaw likuran ay napansin ko ang mga basyo ng mga lamang sa kinauupuan namin, sa vintage bomb na ginamit pa noong World War II.
Sa patuloy na pag-akyat, napansin ko sa mga marka na dinaraan na mahigit kumulang na tatlong milya ang aming nilakad paakyat mula sa ibaba at mga ilang sandali ay narating namin ang pinakaituktok nito, ang makasaysayang “Suicide Cliff Lookout”.
Dito kami nagpahinga ng isang oras, inalis ko ng panandalian ang aking sapatos dahil namaltos ang isang daliri sa mahabang pag-akyat.
Sa pagtanaw sa palibot, napako ang aking atensiyon sa mga imahen ng narito at ibang simbolo na dedikasyon sa mga nalabi noong panahon ng digmaan. Naglaro sa aking isipan kung bakit minatamis pa nilang tumalon sa bangin na ito kaysa sumuko sa mga Amerikano, at ayon sa aking pagsasaliksik sa internet, narito ang mga posibleng dahilan:-
“Many hundreds of Japanese civilians committed suicide in the last days of the battle, some jumping from "Suicide Cliff" and "Banzai Cliff". Efforts by U.S. troops to persuade them to surrender instead were mostly futile. Widespread propaganda in Japan portraying Americans and British as "devils" who would treat POWs barbarically, deterred surrender.”
Sa pagpapatuloy:-
“During the Second World War, some American personnel mutilated dead Japanese service personnel in the World War II Pacific theater of operations.
It has been claimed that most dead Japanese were desecrated and mutilated, for example by urinating on them or shooting the corpses, “re-butchering” them.
The mutilation of Japanese service personnel included the taking of body parts as “War Souvenirs” and “War Trophies” by U.S. service personnel. The most well known practice was the taking of skulls as trophies, although teeth were the most commonly taken object. In addition to trophy skulls, teeth, ears and other such objects, taken body parts were often modified, for example by writing on them or fashioning them into utilities or other artifacts.U.S. Marines on their way to Guadalcanal relished the prospect of making necklaces of Japanese gold teeth and "pickling" Japanese ears as keepsakes.In an air base in New Guinnea hunting the last remaining Japanese was a “sort of hobby”. The leg-bones of these Japanese were sometimes carved into letter openers and pen-holders. An Australian turned a skull into a tobacco jar.”
Nakakalungkot subalit totoo, ang mga kalupitang ito ay hindi gaanong binigyan ng pansin noon, bagkus noong 1972, ang lugar na ito ay ini-alay upang paalalahanan ang sinuman tungkol sa digmaan at kung bakit itinayo ang lugar na ito.
“In Dedication”
Construction of this peace memorial was conceived by the people who once lived in the Pacific Islands during the Japanese mandate and was made possible by the approval of the U.S. Trust Territory Government and the co-operationof the people of Micronesia and Japan.
The Pacific Islands were the site where some of the mos tintensive battles took place in the last Pacific War resulting in many thousands of Japanese and Micronesians as well as military personnel both Japanese and Americans, falling as victims of the war.
The purpose of the Pacific Memorial is to console the spirits of those who died, irrespective of nationality in this historic area, as well as to remind our posterities the tragic futility of war, with our sincere hope that everlasting peace and friendship may prevail amongst all mankind.
January 1972
Edward E. Johnson, High Commissioner, US Trust Territory
Francisco C. Ada, District Administrator, Mariana Islands District
Jose C. Tenorio, President, Micronesian Construction Company
Tokuichi Kuribayashi, Chairman, Association for the Promotion of Peace Memorial in the Pacific Islands
Ang pag-baba
Matapos ang pagpapahinga at pagkuha ng magagandang larawan. Binagtas namin pababa ang Banaderu Trail. Ito ang short-cut pababa ngunit kabaligtaran naman ng patag na daang tinahak paitaas. Tumambad ang makapal na kahuyan at batuhang daraanan. Habang pababa, nakahambalang ang mga sanga ng puno, nagsabit ang mga baging at matatatalas na bato. Subalit hindi alintana ang mga ito bagkus nag-enjoy pa kami sa dinaraanan at kakaibang karanasan.
Bukod sa mga balakid na nakahambalang sa daan, makakakita paminsan-minsan ng mga tanawin na nagbibigay kulay at karakter sa isang magandang komposisyon. Ang trail ay malilim dahil nalulukoban ng matatas na puno at mayayabong na dahon nito. Mayroong matarik na kailangan kumapit sa mga baging o di kaya’y sa mga ugat ng puno upang maiwasang dumausdos o gumulong paibaba.
Nadaanan din namin ang isang bayawak na bumabagay ang kulay sa berdeng kapaligiran. At dahil magaling manghunyango ang bayawak na ito, kinailangan pang ituro sa akin ito ng malapitan dahil hindi ko napansin ito. Naglipana daw ang mga hayop na ganito dito sa cliff dahil angkop ang kapaligiran na ito para sa kanila, malilim, mapuno, maraming prutas at halaman. Kabikabila din ang mga coconut crab dito na nadaanan.
Sa wakas ay narating namin ang ibaba, ang halos dalawang oras na paglalakad paakyat ay inabot lamang ng kulang isang oras pababa sa Banaderu Trail. At kaunting lakad pa ay nagpahinga sa lugar kung saan kami nagsimula at pinag-usapan ang mga nadaanan.
Bagkus paltos ang isang daliri, inalis ko agad ang sapatos at nagpalit ng tsinelas at nagrelax ng kaunti.
Masakit man ang mga paa at paltos man ang ilang daliri, hindi ito alintana sapagkat walang katumbas ang mga panahon at oras na ginugol dito.
February 9, 2008
Suicide Cliff
Subscribe to:
Posts (Atom)