Pesteng brownout talaga. Sunod-sunod na brownout ang naganap noong nakaraang linggo at patuloy hanggang ngayon. Ayon sa nakaraang balita, ang Commonwealth Utilities Corporation ay nagpalabas ng schedule para sa load shedding dahil sa repair na ginagawa sa dalawang power engines sa Lower Base.
“Should there be additional emergency repairs requiring an engine to be taken offline, the current power outage schedule will continue to be in effect.” ayon sa huling balita.
Ang ekonomiya ng Saipan ay naghihingalo sanhi ng pinagsama-samang issue tulad ng federalization ng CNMI immigration, minimum wage adjustment sa May, pagtaas ng mga binabayaran sa kuryente at krudo, dinagdagan pa ng pesteng brownout na ito.
Ang huling casualty, nagsara ang kaisa-isang sinehan dito sa Saipan na pinili na lamang huwag magpatuloy sa negosyo kaysa makipagsapalaran.
Nakakalungkot, as the thing goes, medyo matatagalan pa bago magkaroon ng solution sa mga problemang ito.
No comments:
Post a Comment