Brown-out na naman, bago mainis sa maghapong paghihintay sa kuryente, we decided to go to PIC (Pacific Island Club). Walking distance lang naman at parang extension na rin ng bahay dahil sa halos lingguhang pagpunta dito.
Para maiba, we decided to check the beach. Nagsnorkel kami sa di kalayuan sa dalampasigan. Medyo may kalabuan ang tubig gawa ng ulan at medyo silted ang lugar, hindi rin kainaman ang beach ngayon dahil nasa tabi ito ng daluyan ng tubig. We decided to proceed anyways.
Mula sa di kalayuan, inumpisahang ipakain ang dalang tinapay sa mga isdang bato, hindi magkamaliw ang mga ito sa pag-aagawan sa tinapay. Habang lumalaon, nagsidatingang ang isdang tulis at naki-gulo sa malilit na isda hanggang sa hindi namin namalayan na unti-unting dumami ang mga ito at pumalibot sa amin, nag-aabang sa pagkaing ihahagis. Tulis (Needlefish) and tawag namin dito noon, pamilyar sa akin ito dahil karaniwang nakikita ito sa tulay ng Subic.
Matatagpuan ito sa lugar na naghahalo ang tubig-dagat at tabang. Karaniwan din ito sa mga tropikong lugar na ang tubig ay katamtaman lamang, hindi mainit at hindi rin malamig. Nadaanan din namin ang mga namamana sa di kalayuan na nakahuli ng ibat-ibang isda.
September 1, 2008
Tulis
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment