February 22, 2008

T.G.I.F.

Masyadong napiga ang utak ko sa araw na ito dahil sa presentation ng Marketing Plan. Sinimulan kong gawin noong pang November last year ayon sa instruction ng manager ko.

Medyo kabado sa discussion noong una, pero unti-unting nawawala habang lumalalim ang talakayan, ang importante naiparating ko sa kanila ang mga mensahe ng plano at hakbangin kinakailangan sa mga kakarahaping paghamon. Sa aking palagay ay nakumbinsi ko naman sila at ang importante sa lahat ay ang nakuhang respeto sa mga kasamahan sa trabaho.

Naalala ko tuloy ang kolehiyo, kasalukuyang nagmamajor sa Marketing at graduating kami noong college sa UE nang huli akong gumawa ng katulad nito, salamat na lamang at natatandaan ko pa ang mga datus na kailangan at kung papaano gawin ito.

Nagpapasalamat rin ako sa mga kaibigan sa industriya na parating nariyan umalalay kung kinakailangan, buti nalang may internet na naging madali ang mga communication at materyales na kinailangan.

Sinundo si Erico at tumuloy sa Sugar Dock upang magfishing gaya ng ipinangako ko sa kanya.

Sa wakas, Friday nanaman, nagpalipas ng oras sa dock at doon nag-alis ng stress at timing namang pababa ang araw ng datnan namin ang lugar samantalang pinanonood ang mga namimingwit.

Wala na siguro akong mahihiling pang pang-alis ng pagod kapag ganito ang matatanaw mo paglabas ng opisina.