Maganda ang sikat ng araw kaya tamang-tama sa planong ROAD TRIP. Gamit ang mapa ng Guam, we started from the northern part of the island all the way down to the south with intermittent stop along the way. Here are the places we have visited :-
Nagside-trip muna sa Tanguisson Beach, then pumunta sa Two Lovers Point Lookout, tuloy sa road trip at dinaanan ang mga sumusunod:-
Nagside-trip muna sa Tanguisson Beach, then pumunta sa Two Lovers Point Lookout, tuloy sa road trip at dinaanan ang mga sumusunod:-
Three Generation Monument
Adelup (Hagatna)
Talayfak Bridge (Agat)
Umatac (Cetti Bay Overlook, The San Dionisio Church, The Magellan Monument, Fort Santo Angel, Fort Nuestra Senora Dela Soledad)
Talofofo Bay
Huminto at nag meryenda sa Mc Kraut's Fast Food sa may Ipan. We realized na mahaba pa pala ang biyahe para ikutin ang buong isla at medyo gutom na, so we decided to cut the trip and come back using an alternate route. Tinuklas ang Road No. 17 at dinaanan ang mga bundok sa Talofofo hanggang Sta. Rita na tumatagos sa gitna ng isla. Lumabas sa bukana ng Road No. 5 at kumanan pabalik ng Marine Drive patungo sa Hagatna, ang kapitolyo ng Guam.
Agana Shopping Center. Ito ang pinakabagong mall dito sa Guam na pag-aari ng korporasyon ni Henry Sy. Dito mayroong SM, mga sinehan at mga kainan. Dito na rin kami nagpahinga at kumain ng lunch (Tony Roma's) at nagpalipas oras.
Sa hapon, itinuloy ang road trip, dumaan sandali sa hotel at pumunta sa Barrigada para hanapin ang Irridescent, ang branch ng boutique na pag-aari ng boss ni Beck na magbubukas pa lamang. We went ahead to downtown Tumon and took a short trek and have some souvenir photos. Part of it was Matapang Beach at Tumon Bay. We hang in there for a while and took some shots of the famous bay.
Tumuloy sa Guam Premier Outlet to check some stuff, nagpalipas ng oras and afterwards, balik sa Ypao to have some rest, hit the road again on to Micronesia Mall to meet Henry and had dinner at his house in Dededo.
To conclude the long Sunday, dumaan kami sa Grand Plaza Hotel para bisitahin ang mga relatives na pauwi na kinabukasan sa Manila, pagkatapos ay bumalik sa hotel na tinutuluyan para sa mahabang pahinga.
Mas maraming pictures at kaunting paliwanag sa mga paghinto ay makikita sa mga sumusunod na post.
No comments:
Post a Comment