March 5, 2008

Saranggola sa American Memorial Park

Nagpunta kami sa American Memorial Park para sa 3rd Annual Marianas Winds Kite Festival and Cultural Food Fair na inihanda ng Brilliant Star School. Maganda ang panahon kung kaya't hindi mabilang ang mga saranggolang pumailanglang sa alapaap.

Narito din ang Korea Kite Fliers Association at mga kite flying champions ng South Korea na nagpamalas sa pamamagitan ng pagpapalipad ng 700-meter at binubuo ng 150 na makukulay na saranggola. Nagpakita din sila ng kahusayan na paliparin ang higanteng saranggola'ng simbolo ng kanilang bansa at isang malaking isda.

Naaalala ko noong bata pa kami, kapag panahon ng bakasyon gumagawa kami ng saranggolang gawa sa dyaryo at patigas na walis-tingting habang maghapon'g naglalaro kasama ang mga kaibigan sa malawak na bukirin ng Subic.

Wala kaming dalang saranggola at dahil mayroon namang mabibilhan sa fair, bumili nalang kami ng hugis agila. Tuwang-tuwa kaming mag-ama habang halinhinan sa pagpapalipad ng saranggola.










1 comment:

insulare said...

ang cute pala ni nemo pag naging saranggola. kewl!