Matagal-tagal naring hindi nagagawi sa Sabalu Market kung kaya't isang Sabado naisipan naming pumasyal dito. Malapit sa tabing dagat ang Sabalu Market sa village ng Susupe, kung bakit tinawag na Sabalu ay sa dahilang ginaganap lamang ito sa tuwing araw ng Sabado.
Sabalu o "Saturday" sa salitang lokal ang araw ng Sabado sa salitang Pilipino.
Ang Saipan ay walang "public market" na katulad ng malalaking lungsod o bayan sa Pilipinas o sa US. Mayroong mga "grocery" pero hindi naman kalakihan. Ang Saturday market ay hindi ang typical na palengke na nakagisnan mo na maayos o magulo o maingay. Pero ang konsepto ay parehas, ang magtinda at pamilihan.
Malimit kaming magpunta dito para mag-almusal at mamili ng mga "local produce" tuwing Sabado. Paborito naming puntahan ang pwesto ni Mr. Galang, isang matagal na Pilipinong naninirahan dito sa Saipan at puntahan din ng mga kababayan dito dahil masarap ang mga Pinoy na pagkain tulad ng Arroz Caldo, Laing, Bopis at ang Dinuguan. Mayroong din silang kakanin, puto at ibat-ibang matamis.
Gaya ng dati, pinili ko dito ang Dinuguan, samantalang nilantakan ni misis ang Bopis at Laing. Si Erico naman ay kumain ng "Apigigi" (maihahalintulad sa Tupig na mabibili sa Sison, Pangasinan) na binili sa kabilang puwesto.
Bukod kay Mr. Galang, may ibat-ibang stalls din dito na nagtitinda ng mga orchids, halaman, mga gulay at prutas. Kung gusto mo ng sariwang gulay at prutas, dito mo rin matatagpuan ang mga ito mula sa mga farms ng mga lokal dito sa Saipan. Paboritong ko ding puntahan ang pwesto ng mga Borja para sa saging, papaya, sili at mga halamang pangbahay naman para kay misis.
Kung lokal na pagkain naman ang hanap mo, dito mo matatagpuan ang mga "authentic" na lutong Chamorro na paborito ko ring kainin at hindi naman nalalayo sa mga lutong Pinoy tulad ng "Chicken Kelaguen", "Fritada" (local version ng Dinuguan), Apipigi (local version ng Tupig), Tamales Gisu, Escabeche. Ang kultura at kasaysayan ng mga Chamorro ay may kaugnayan sa mga Pilipino, isang halimbawa ay ang Diocese of Cebu ang may hawak sa Marianas noong panahon ng kastila, at bukod dito, magpapatunay din ang mga salita na halos katulad at magkatinig sa pagbigkas at kahulugan. Pagdating sa mga lutuin, ang mga pagkaing nabanggit sa itaas ay nagpapatunay lamang ng magandang ugnayan ng mga Pilipino at Chamorro noon at magpahanggang ngayon.
Well, eto ang Sabalu Market.....simple, masaya, makulay.
7 comments:
Para palang Sagada! Me saturday market din kasi wala talagang palengke. halo halong tinda kahit piratang DVD meron hehe
I love the Filipino markets! They are the best. Always fresh vegetables, fruits, meat and fish.
Very colorful!
No reason to get homesick. Ang diyan na pala halos karamihan na makakaing Pinoy :)
Ferds,tama ka walang pirated DVD dito. Kung sa Sagada palibot ay bundok, sa Saipan palibot ay dagat.
Exactly Senor Enrique! I feel like nasa isang probinsya lang sa Pilipinas, but there's no place like home.
Good to see you again Sidney!Thanks.
wow! that is one that philippines is truly proud of... the food! thats why i love pinas.
Post a Comment